Talulot at Pamumukadkad…

Kagaya din ng pagmamahal. Kusa itong sumisibol at namumukadkad sa takdang panahon… at nalalanta paglaon.

Doon ko nais gugulin ang pagmumuni-muni sa pamumukadkad, sa isang positibo’t masayang pagtanaw sa isang makabuluhang yugto na sa tuwi-tuwina’y nagpapangiti sa akin nang hindi nangangamba sa mga bukas pang darating… at sa panahon ng pagbitiw sa tangkay at pagkalanta.

Alphredite: Isang Tala-Larawan

talulot06.12.15Animo’y mga palasong nagpapaligsahang matumbok ang pinagmumulan ng init na humahaplos sa kanilang murang tangkay habang hapo dulot ng pagpupulot-gata ng mapanglaw na langit  at matagal nang tigang na lupa, pinili ng mga talulot na ito ang magpakatatag sa pag-asang mararating nila ang pamumukadkad. May mga iilan sa kanila ang narating na ang yugtong iyon, nagpupunyaging idinadambana ang kanilang busilak na karik’tan at mapang-akit na halimuyak, at may mga iilan namang sinawing palad… mas ninais na hayaang kitilin ang umuusbong na pag-asang masaksihan ang sariling namumukadkad – marahil dahil sa takot na mahigitan ang mga nauna o di kaya’y mas gustong magpaubaya sa iilan pa.

Pana-panahon lamang ang pamumukadkad. At tanging panahon lamang ang makapagsasabi kung papaano nagsilbing kaaya-aya ang pagsibol ng mga talulot para sa iba. Oo, maaari niyang marating ang rurok kung saan tuluyan na niyang nailadlad ang sariling kabuuan, bago tuluyang malanta… at bumitiw sa tangkay na…

View original post 60 more words

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s