Maganda ka? Sabi nino?

So, maganda ka?

Sinong may sabi? Nanay at tatay mo???
Natural yun sa mga magulang. Ala pa ata akong narinig na ermat o erpat na nagsabi ng: “t#@j~%$, ulikba ang anak ko!”
Role nilang bolahin ka. Kung hindi man, palakasin ang loob mo. Ipagpaniwala sa’yo na artistahin kayo bukod sa lahing tulisan.

Ah, sinabi naman ng friends mo? Saan? Sa FB? Ilan sila? Isa? Dalawa? Tatlumpu’t dalawang dosena??? Ikaw na!!!

Hindi bilang ng ‘likes’ sa profile pic mo ang batayan ng ikinaganda mo. Natatandaan mo noong pinalitan mo ang profile pic ng isang mamahaling aso? Oo, yung dinekwat mo sa internet at inupload sa FB mo… Di, ba mas madami pa ang likers noon kaysa sa mga selfies mo?!

Huwag mong hayaang diktahan ng kong sino ang konsepto ng kagandahan para sa iyo. Ika nga sa English, “Beauty is relative.” Ibig sabihin, maganda ka sa tingin ng mga kamag-anak mo. Lol.

Subukan mo kayang magtanong sa kapitbahay na suyang-suya sa mga kaartehan/kayabangan mo’t nang makakuha ka naman ng nanlilisik na tingin mula ulo hanggang paa, sabay tanong “naka-drugs ka? Katol pa!”

Huwag mong gawing batayan ang iba at sabihing, “ulikba sya” o kaya’y “astig naman niya!” Uuwing talunan ka pa rin niya kahit saang angulo. Maganda ka kapag ikinumpara mo ang iyong sarili sa mukhang mas isinumpa pa kaysa sa iyo. Ulikba ka naman kapag ipinaghambing mo ang sarili sa mala-dyosang alindog, yun bang gandang di mo inakala.

Ganito na lang. Hayaan mong madama mo ang kagandahang taglay mo. Tama, maganda ka!

Higit kanino pa man, dapat ikaw ang unang nakakaalam nito. Ikaw ang unang nakaka-appreciate nito. Ikaw ang pinakakarapatdapat na magsabi nito sa iyong sarili. Tanging ikaw at ikaw lang ang tunay na makakadama noon at mula sa iyo, tanging ikaw din ang makakabahagi nito sa mundong ginagalawan mo.

Basta, maganda ka?!

I-click ito para makita ang orihinal na post at ang ilang mga komento.

3 thoughts on “Maganda ka? Sabi nino?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s