Singsing at bangkero…

Madalas, matatagpuan natin ang ating sarili na pumapalaot sa malawak na kawalan, tanging dala ay kaunting kislap ng liwanag na pilit pang pinapatay ng marahas na hanging dala rin ay kalungkutan….

Ito ang una kong subok sa paggawa ng maikling kuwento, isang Kislap isang inspirasyong nakuha ko kay Abdon M. Balde, Jr.

Alphredite: Isang Tala-Larawan

image

Hindi na nakita pa nang bangkero ang pinakaiingatang singsing na naging simbolo ng kanilang sumpaan sa harap ng dambana may sampung taon na ang nakaraan.

Tanging iyon ang naging hingahan ni Kardo habang mag-isang nakikipagsapalaran sa laot, naghihintay na baka may maligaw na bulalakaw at baguhin ang kanyang kapalaran, harinawa’y biyayaan ang kanilang pagsasama ng kahit isang supling.

Bago pa siya bumalik sa panig na ito ng dagat, naalala niyang masaya siyang sinalubong ng asawa na nagwika, “Sa wakas Kardo, magkakaanak na tayo!”

Nanlumo si Kardo hindi dahil sa wala siyang huli noon.

Sa mapanglaw na dapithapon, nanlulumo pa rin si Kardo. Nagsawa na ang alon sa pagbayo ng munti niyang bangka, habang ang mga bulang sa payapang dagat na kanina’y paisa-isa’y ngayo’y tuluyan ng nawala.

Nauna sa kanyang singsing ang walang malay na si Carmen, nayayapos ng lubid na sa tipak ng malaking bato’y nakabigkis din.

#Hunyo 7, 2013…

View original post 6 more words

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s