Para Sayo…

Kumusta ka?

Hindi mo na kailangang sumagot o umimik man din. Alam ko na ang ang iyong tugon… alam ko na kung ano ang nais isawika ng mapanglaw mong mga mata at nang napakalalim mong buntong-hininga…

Gayunpaman, nais kong marinig ka… nais kong marinig mula sa iyong mga labi ang dahilan ng matamlay na diwang lumulukob sa iyong pagkatao…
wpid-lonely

Hindi naman sa sadista ako na natutuwang pinagmamasdan ka habang muling sinasariwa ang sugat ng nagdaang yugto. Gusto ko lang mapakinggan ka habang binabalikan ang mga ito, na bagamat alam kong katumbas nito ang muling pagtarak ng mga punyal sa iyong puso, sa pagtatapos ng iyong salaysay… kasabay ng maya’t mayang pagdampi mo ng iyong kamay sa pisnging nagsisilbing daluyan ng luhang pilit kinikimkim, alam kong kahit papaano naibsan ang bigat ng iyong pasanin.

Hindi ko alam kung ano pa ang mga angkop na salita o di kaya’y paano gamitin ang mga linyang nagmula pa sa mga tanyag na manunulat upang maipaabot ko lamang sa’yo ang pakikiisa at pagpapaalala na “ayos lang ang lahat”, na “may hangganan din ang mga ito…” na “ganyan talaga minsan”. Sa likod kasi ng mga ito ang marubdob na katotohanan na hindi “okay” ang lahat… na ganyan talaga minsan ang buhay…. masalimuot… hindi patas.

Hindi pa naman huli ang lahat upang maniwala muli… ang umasang muli… ang magsimulang muli… ang magmahal muli.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s