Higit pa sa pula, puti at bughaw…

Limang araw bago ang pagdiriwang sa ika-114 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, minabuti kong ibigay bilang takdang gawain sa aking mga mag-aaral na Grade 7 para sa Araling Panlipunan ang paggawa ng munting watawat na yari sa coupon bond at colored papers. Natuwa akong madami sa kanila ang alam kung ano ang hitsura ng pambansang watawat at pagkakaayos ng ilang mga simbolismo nito bagamat may mga iilang hindi alam o sigurado kung ilan lahat ang sinag ng araw at sulok ng mga  bituin. Isa sa muntik ng makaligtas sa aking paningin ay ang baliktad na pula at bughaw na bumabalot sa malaking bahagi ng watawat. Salamat na lang at naisipan akong tanungin ng isa kong makulit na anak kong may digmaan ba. Nais ko din sanang matawa sa hugis ng araw ng iilan sa ipinakita sa akin. Mayroong mukhang krus habang ang iilang mga bituin naman ay nag-anyong eroplano. Sa mismong araw ng pagdiriwang kung saan muling naimbitahan ang ilan sa aming magaaral na magtanghal ng doxology para sa palatuntunan na inorganisa ng lokal na pamahalaan, nanaig sa muli ang mga kulay ng watawat. Maging ang aming mga mag-aaral na lahat nakaputi ay may saliw din ng nasabing mga kulay bilang palamuti at pandagdag buhay. Pinakanagustuhan ko sa lahat ay ang pagsasadula ng mga mahahalagang yugto sa kasaysayan… ang pagbibigay buhay sa sigaw sa Balintawak, ang pagbaril kay Rizal sa Bagumbayan at higit sa lahat ay ang pagtahi ng watawat at pagwawagayway nito sa balkonahe ng munisipyo kahalintulad ng pangyayari noon sa bahay ni Hen. Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Nakakapanindig balahibo ang bawat tagpo. May mga bahaging animo’y naluluha ako… Ang tanging alam ko lang ay masaya ako sa mga nasasaksihan kong maikli subalit makabuluhang pagtatanghal at higit sa lahat ipinagmamalaki ko na ako’y lahing Pilipino!   Nasa ibaba ang isang maikling animation na nahanap ko sa YouTube na nagpapaliwanag  kung bakit kaalinsabay  ng pakikipagsayaw ng watawat sa haplos ng hangin habang matayog na nakataas ay ang aking labis na galak at pagmamalaki sa mga kulay na naging kabahagi na ng aking pagkamamamayan… Narito din ang ilang mga tweets ng mga Pinoy netizens kaugnay ng pagdiriwang ng ika-114 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Gamit ang hashtag na #proudtobepinoy sa Twitter, itinampok ng GMA Interactive ang ilang mga tweets sa isang photo mosaic na bumubuo sa isang watawat… Maligayang Araw ng Kalayaan mga Kababayan… ______________ Iba pang post na may kaugnayan sa pagdiriwang na ito… * PROUD TO BE PINOY! (ipinost noong nakaraang taon, 05/28/11) * KATALINGKASAN (ipinost noong nakaraang taon, 06/12/11)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s