Ang Kuwento sa Tapsilogan at Ukay-Ukay….

Gutom buhat ng maghapong pakikipaglaro sa mga bata at pagpipilit na hindi maging pamatay ang iskedyul ng klase alinsunod sa hinihingi ng K+12 ek-ek at eklavu, naisipan ng tatlong maria na muling mag-stress debrief sa pamamagitan ng pagpapakabusog… Bukambibig nila kasi, ayaw nilang tumaba… o hindi kaya “naku, kailangan na nating magdiet at mag gym ulit”.

Kandol Layting Ceremony bago ang lapang…

Dahil nga ‘opening” ng isang tapsilogan sa bayan, doon sa harap ng rebulto ni Rizal, kailangan naming maging kabahagi ng makasaysayang yugto na ito… hahaha [malakas dapat ang tawa, yung parang demonyo lang]. Siyempre [patay]gutom, dali dali naming pinuwesto ang aming mga sarili sa harap ng mesa sabay demand ng lapang. Nang maya maya’y abutan kami ng mga kandila. “Binyagan lang?” Naloka naman ako sa kandol layting ceremony. Ano ba papatakan yung lugaw ng kandol? buwahahaha ulit…

Ayan, kahit nagbubugbugan na ang mga anaconda sa tiyan ko kailangang makiisa sa okasyon… Tanong ko lang bakit walang ribbon? O dili kaya para native and dating buri na lang….Sosyal yun ah Buri Cutting Ceremony

Dahil nga opening, at bali-balitang mass feeding ang promo sa araw na ito, madami ding dumumog sa tapsilogan. Di rin namin kami nabigo sa lapang. Nahuli ang aming panlasa ng bagong bukas na lapangan na ito. Naku, mapapadalas na naman ang after-school food-trip ng grupo.

Sino ba naman ang hindi pagpapawisan sa lugaw at tapsilog?

Pagkatapos ng masayang kainan at pabilisan ng paglunok, tinungo ng grupo ang madalas naming puntahan sa tuwing Biyernes ng hapon – ang ukay-ukayan.

Dalawang buwan din kaming hindi nambulabog sa ukay-ukay at talagang nakakamiss ang pangangalkal ng mga aytems na ito… Namiss ko rin ang kakaibang halimuyak.

At kagaya ng nakaugalian, una naming sinugod ang pinakamurang tambak – a P5.00. at kaagad na sinunod ang iba pa. Ang naging resulta?

The Ukay-ukay Ladies…
Ukay SuperModels!

Narito po sa link na ito ang iba pang mga larawan.

Advertisements

One thought on “Ang Kuwento sa Tapsilogan at Ukay-Ukay….”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s