Ang hindi na maipagpapabukas pa na ‘night swimming’

Bagamat simple, kailangang maging memorable para sa aming Mama at Papa ang araw na ito kung kayat naisipan naming gawin ang mga bagay na hindi namin madalas ginagawa. Espesyal ang ika-28 Araw ng Abril para sa aking mga magulang…. para sa aming pamilya. Sa araw na ito, aming ipinagdiriwang ang kanilang ika-29 na taon ng pag-iisang dibdib!

Sinimulan ko ang una…. at ito ay ang pagluluto. Ako’y tamang tikim at takawkain lamang pag nasa kusina. Natatandaan ko na huli akong nakapagsaing noon pang ako ay nasa kolehiyo. Matapos noon hindi ko na nakaulayaw sa kusina ang mga kaldero at kawa. Wala din akong alam sa pagluluto ng kahit na anong putahe. Kanin lamang ang siyang alam kong isalang sa apoy, kung minsan pa nga ay hindi gaanong perpekto na siyang inirereklamo ng mga kasamahan ko.

Sa tulong ng aking kaibigan, kailangan kong makapaghanda ng isang espesyal na ulam para sa aming tanghalian. Pininyahang manok ang aking napagdiskitahan. Ang lahat ng proseso ay taimtim kong binabasa sa aking cellphone habang napadali naman ang paghahanda dahil sa tulong ng aking mga nakababatang kapatid na bababe na siyang taga-hiwa ng mga sangkap, atbp.

Ang resulta: muntik nang maging disaster-victim na manok!!! hahahaha.. Subalit masarap [sabi nila]. Ang alam ko lang nagmukhang

Unang Luto… (First Timer’s Dish)

liyempo ang labi ko sa dami ng cooking oil na nailagay ako. Puna din nila ang dami ng asin, palusot ko, “Mura eh (ang asin)”.

Sa tulong ng aming Tito Franding, bunsong kapatid ni Ma, naisakatuparan din ang isa sa malimit naming gawin bilang bonding – ang pagna-night swimming!

Lulan ng matulin na Dolphin, masaya naming narating ang mapayapang pook ng Parola, isang sitio sa Barangay Behia kung saan ako naglilingkod bilang isang manunuro.

Bagamat nadismaya ako na hindi matunghayan ang liwanag ng Parola (hindi pa ito naipapasaayos buhat ng una kaming mapadpad dito mga ilang linggo ang nakaraan kasama ang ilang mga kaibigan), naging napakasaya at maaliwalas naman ang lahat. Ang saya kayang makasama ang buong pamilya… bonus pa yung mga kamag-anakan at mga malalapit na kaibigan!

Mader dear, sissy Marijo, Pader dear, bro Bong, at sissy Marilou

Hindi man nakuhang makipagsabayan ng buwan, nanatili namang masayang pagmasdan ang papawirin habang nakahiga sa pino at malinis na buhangin. Nais ko sanang bilangin ang buong bituing aming natatanaw upang nang sa gayon ay magtagal pa kami.

Ang pinagsaluhan naming handa ay totoong payak lamang, ngunit hindi ang tuwa ng espesyal na araw na ito….  Talagang hindi na maipagpapabukas pa ang ‘night swimming’…

Hanggang sa muli!

Alphredite

_______
Anion po an mga ‘kodak’ sa album na
INI. [Nasa Peysbuk ko an kaya badi dae mo maaccess kon laen kita friendship]

‘Power Kick’ by Miss Julie O.
Advertisements

6 thoughts on “Ang hindi na maipagpapabukas pa na ‘night swimming’”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s