One down…

Kahapon, natupad ang isa sa mga pinakamimithi kong pangarap para sa aking nakababatang kapatid. Sa wakas ay nakapagtapos na siya sa kolehiyo. Salamat sa kanyang pagpupursige at pagsasakripisyo. Madugong paghihigpit ng sinturon ang kanyang napagdaanan sa loob ng maraming taon… madami ding pakikipagbuno at pagsusunog ng kilay ang kanyang kinaharap at napagtagumpayan.

Tandang-tanda ko pa ang araw na una akong napahagulgol sa harap ng madlang pipol (sa loob yun ng jeep) ng matanggap ko ang kanyang text na humihingi ng paumanhin at pang-unawa sa kanyang maagang pagbubuntis. Animo’y dumagan sa akin noon ang samu’t saring problema ng Pilipinas.

Hindi ko alam kung ano ang pinakaangkop na magiging reaksyon. Nagalit ako sa kanya at sa aking sarili… Sa ibang banda, baka  kulang ako at ang aking mga magulang sa gabay at pangaral. Subalit mas lamang ang aking panghihinayang. Kaka-18 nya pa lang noon at alam kong mas madami pa siyang magagawa at maienjoy kung hindi pa nya lubusang minadali ang lahat…

Halos mag-iisang taon ang nakaraan, bumalik ang aking kapatid. Nais ko sana noong manumbat sa kanya. Subalit mas pinili kong manahimik. Tutal, isang espesyal na regalo naman ang kanyang naibigay kina mama at papa – ang kanilang unang apo. (Hindi nya noon kasama ang aking pamangkin dahil nasa kanyang ama ito.)

Hindi ko makakalimutan ang simple subalit makahulugan naming usapan noon habang nasa hapag at nanananghalian. “Ikaw, kung gusto mo pa…” nahihiya niyang sagot nang tanungin ko siya kong  gusto niyang magpatuloy sa kolehiyo.

Natural gusto ko. Gusto kong ipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral para may kahantungang maganda ang kanyang bukas. Noong una, ginusto kong maging kaagapay ng aking mga masisipag na magulang sa pag-papaaral ng aking mga kapatid dahil gusto kong tulungan din nila ang mas nakababata pa naming mga kapatid. Sa mga pagbabagong naganap, mas lalo kung ginusto na mapagtapos namin ang aming kapatid… hindi na para sa amin kundi para na sa kanyang anak at sariling pamilya.

Pangarap kong maging matiwasay ang buhay ng aking mga kapatid. Pangarap kong maging maayos at maganda ang buhay ng aking pamangkin at mga magiging pamangkin pa.

Madami akong pangarap para sa kanila at hindi ito basta-basta mabubuwag ng isang karamdaman lamang (magbablog ulit ako tungkol dito). Madami akong gustong mangyari… at least ang isa sa mga iyon, natupad na… One down, ika nga.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s