SA AKING PAGTANDA*

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sisigawan mo ako. Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maitindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng ‘binge!’ Paki-ulit na lang ang sinabi mo o pakisabi na lang. Pasensya ka na, anak, matanda na talaga ako. Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tuluyang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piloting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa kuwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandal na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kong ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal. Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan. At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana… dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…

**** Copy courtesy of CWL Spiritual Director St. Augustine Parish Baliuag, Bulacan Thanks to Kirby for sharing this heartwarming piece. I cried the first time I read this letter.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s